Monday, May 4, 2009

ANO ANG DAHILAN KUNG BAKIT TAYO NAGKAKASAKIT, O PATULOY SA PAGTABA, O PATULOY SA PAGPAYAT?

May mga taong nag-eehersisyo araw-araw at kumakain ng mga pagkaing mababa sa calories pero hindi pa rin pumapayat o patuloy pa ring nakakaramdam ng hindi maganda. Habang tayo ay tumatanda, mapapansin natin na lumalakas tayo kumain at lalong tumitindi ang pagnanais nating makatikim ng matatamis at masasarap. Subalit patuloy ang pagkakasakit at patuloy ang pagtaba. Kung payat naman hindi tumataba kahit anong bitamina ang inumin, at nagiging mahina ang resistensya kasabay ng madaling pagkapagod.

MAY SOLUSYON BA?

Sa loob ng ating katawan ay matatagpuan ang maliit na bituka (small intestine), at sa lining nito sa loob ay may parang tuwalya ng baka ng kung tawagin ay HUMAN VILLI o VILLUS. Sa mga villi na ito nagaganap ang ABSORPTION o pagpasok sa ating katawan ng mga bitamina at mineral mula sa mga pagkain at gamot. Kapag napuno ng dumi ang villi natin at tumigas ang mga ito, hindi na makakapasok ang mga bitamina at sustansiya sa ating sistema. Dito na nagsisimula ang sakit, patuloy na pagtaba at patuloy na pagpayat.

Kapag napuno ng dumi ang ating villi, ito ay masisira. Kahit pa gaano kasustansiya ang kinakain natin at kahit magandang klaseng bitamina ang ating inumin ay mawawala rin ng halaga ang lahat.


CELLULAR NUTRITION

Napag-alaman ng mga siyentipiko at nutritional doctors sa Amerika noong 1980 ang Cellular Nutrition Concept na siyang nag-iisang solusyon upang mapanumbalik ang lakas at kabataan ng ating katawan. Ito rin ang paraan upang maibalik ang resistensiya natin laban sa sakit, mabawasan ang sobrang timbang, at maibalik ang maayos ng pangangatawan kung tayo ay payat.

Dahil sa maling kaugalian sa pagkain (bad eating habits), polusyon, alak, tabako, toxins, at malabis na pag-iisip o stress, ang ating villi ay hindi lubos na nakakapag-absorb ng mga sustansiya mula sa ating mga kinakain at iniinom. Ang Cellular Nutrition ay hindi lamang nagbibigay ng balanseng nutrisyon sa ating katawan – gumagawa rin ito ng tatlo pang bagay:


1. CLEANSING

Tuwing matatapos tayong kumain, naglilinis tayo ng ngipin, hindi ba? Subalit hindi naman natin alintana na ang villi natin sa ating small intestine na siyang tinitigilan ng mga dumi at toxins na nakukuha natin sa araw-araw ay siya namang hindi nalilinis. Kapag kumapal at dumami ang mga toxins rito, magiging sanhi ito ng allergies at iba pang mga karamdaman. Ang “cleansing process” o paglilinis ng ating villi ay magagawa sa pamamagitan ng pormulasyon ng masusustansiyang herbs o halamang na tumutulong sa paglilinis ng ating villi.


2. ABSORPTION

Kapag napuno ng dumi ang ating villi, hindi makakapasok sa ating katawan ang lahat ng masusustansiya nating kinakain, mga gamot para sa ating mga karamdaman at mga iniinom nating bitamina. Dahil dito, kahit ano pang gawin natin ay bumabalik ang karamdaman. Kapag nalinis ang ating villli sa pamamagitan ng “cleansing process,” magiging maganda ang ating absorption at mabilis nang makakapasok sa ating katawan ang mga sustansiyang mula sa pagkain at gamot na ating iniinom.


3. CELLULAR REGENERATION

Ang mga pinakaimportanteng proseso ng cellular nutrition concept ay ang pagbuo ng panibagong grupo ng malulusog na cells ng ating katawan sa pamamagitan ng tama at masusustansiyang pagkain sa araw-araw. Ibinibigay ng cellular nutrition ang mga sustansiyang kailangan natin upang patuloy tayong maging malusog, malakas, at malayo sa sakit.